1,182

By

Baby bump pinasilip: Anne Curtis buntis!

Makalipas ang dalawang taon, magkakaroon na ng panganay sina Anne Curtis at Erwan Heusaff.

Sa post ng online influencer na si Erwan sa Facebook, may caption itong “5/9 Anne” na posibleng patungkol na nasa ikalimang buwan na nang pagdadalang-tao ang kanyang maybahay.

Makikita rin ang baby bump ng Kapamilya actress sa nasabing video, may isang eksena pa kung saan nakahawak siya sa kanyang tiyan.


Sa Instagram account ni Anne ay pinost din nito ang kaparehong video, kung saan may patikim itong iaanunsyo sa mga susunod na araw.

“I think you should know something… Another reason to love November.. @erwan,” ayon sa post nito.

Maraming Kapamilya actress naman ang bumati sa bagong blessing sa buhay ng couple.

“Remember how i gave you that “gift” hahahahhahahahahahhahahahahhhahahahahhaha ang galing ko!!!! I love you!!!! I am sooo happy for you!!!!!!” pagbati ni Mariel Padilla.

“Congratulations kambal and Mr. President,” sey naman ni Angelica Panganiban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?