522

Mar 26, 2020 @ 12:58
By

Babarilin pa daw! Pulis namalo, minura ang residente ng Quiapo

Huli sa akto ang pamamalo at pagmmura ng isang pulis sa isang lalaki na gusto sanang makalabas sa kanilang lugar sa Quiapo, Manila.

Nasilayan kung papaano pinalo ng isang pulis ang residente na nagpapakita ng quarantine pass.

Bukod pa dito, nagbanta pa ang pulis na babarilin umano ang mga lalabas na lampas sa oras.

“Lahat nang lalabas nang walang oras, babarilin na, t*ngina niyo,” saad ng pulis.

“Ikaw bakit ka lumabas? Oras ba ngayon? ‘Yan ba dapat gamitin ngayon? P*tangina niyo matigas ulo, umuwi ka!” giit pa nito.

Papaimbestigahan na ni Manila Police District Chief Brigadier General Rolando Miranda ang nasabing pananakit at pambabanta ng pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?