143
Babalik kayang PBA? Chris Lutz nasa ‘Pinas

Babalik kayang PBA? Chris Lutz nasa ‘Pinas

Muling tumapak sa Pilipinas ang dating Gilas guard na si Chris Lutz, na nawala sa sirkulasyon ng PBA matapos pakawalan ng San Miguel.

Sa Instagram, nag-post si Lutz ng larawan kasama si Marcio Lassiter na dati nitong kakampi sa SMB.

View this post on Instagram

Samahang Walang Katulad 🍻

A post shared by San Miguel Beermen 🏀 (@smbeermen) on

Sa report ng Spin.ph, kinumpirma ng agent ni Lutz na si Marvin Espiritu na nasa bansa ang kanyang manlalaro at babalik din sa US sa pagtatapos ng buwan.

Hindi pa alam kung muli bang sasabak sa basketball si Lutz at kakausapin pa ang kanyang agent para sa mga plano nito.

Umalis si Lutz sa PBA matapos sungkitin ng Meralco nang ilagay ng SMB sa unrestricted free agent list dahil sa natamo nitong injury.

Hindi nagamit ng Bolts si Lutz dahil nagtungo ito sa Amerika para magpagamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?