65
Task force na magrerebyu sa ‘good conduct’ ng preso, ilulunsad ng DOJ

Babala sa mga scammer: Kapa pinakakasuhan na ng DOJ

Inirekomenda na ng Department of Justice na kasuhan ang Kapa Community Ministry International sa pangloloko nito sa mga investor.

Sa resolusyong inisyu na may petsa Setyembre 25, kinatigan ng mga state prosecutor and findings ng Securities and Exchange Commission at sinabing may probable cause para kasuhan si Joel A. Apolinario na founder at president ng Kapa, si Reyna L. Apolinario na corporate secretary ng Kapa, at si Margie A. Danao na trustee nito.

Sabi ng SEC, kinasuhan din sina Marisol M. Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, at Reniones Catubigan dahil sa pagpo-promote nila sa Kapa at pagbebenta at pag-aalok ng mga investment.

Ayon kay SEC chair Emilio B. Aquino, nawaý magsilbing babala ito sa lahat nang mga scam na investment.

“This should also serve as a stern warning against other groups engaging in unlawful investment-taking activities and other predatory practices to the detriment of the investing public,” sabi ni Aquino kahapon.

March 2017 pa naglabas ng babala ang SEC sa publiko laban sa paglalagay ng pera sa Kapa. February 2019 ito naisyuhan ng cease-and-desit order at Abril 2019 na tuluyang binawi ang certificate of incorporation nito.

Dumulog ang SEC sa Anti Money Laundering Council para hindi na magalaw ang ari-arian ng Kapa at nang may matirang pambayad sa mga nakuhanan nito ng pera at June 14, 2019 nakuha ang freeze order mula sa Court of Appeals.

June 18, 2019 naghain ng reklamo ang SEC sa DOJ laban sa Kapa nang nakakalap na ito ng sapat na patunay na nagso-solicit ito ng mga investment sa publiko ng walang kaukulang lisensya.

Donation ang tawag ng Kapa sa kinukuha nitong pera sa publiko at ‘blessing’ o ‘love gift’ naman ang tinatawag nito sa interes na kinukubra ng mga nagbibigay ng pera.

Sa investment na P10,000, interes na 30% buwan-buwan ang ipinangako ng Kapa na kanilang makukubra nang wala nang kailangang pang gawin.

Sinusulong ng SEC ang mas mataas pa na kaparusahan sa Kapa. Ang kasong kriminal ay para sa paglabag sa Securities Regulation Code ngunit nais pa ng SEC na kasuhan din sila sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil ginamit nila ang Facebook at Youtube sa scam nito para mauto ang mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?