2,147

By

Babaeng putol ang mga binti, hindi pinapasok sa BIR dahil naka-shorts, viral!

Pinag-usapan sa social media ang isang babae na putol ang mga binti matapos siyang hindi papasukin sa Bureau of Internal Revenue (BIR) office dahil ayon sa security guard, bawal ang nakasuot ng shorts.

Binahagi ni Nancy Torrelino Boroc, 27, ang video ng naging karanasan niya sa BIR sa Calbayog, Samar.

Kuwento ni Boroc, nagpunta siya sa BIR-Calbayog para sa magpaproseso pero pagdating niya ay hinarang siya ng sekyu.

“Bawal po ang naka-shorts,” sabi umano ng guwardiya.

“Kuya kahit po PWD na hindi nakakapag long pants?” tanong ni Boroc sa sekyu.

Sumagot ang security guard ng: “Yes po dahil sa bagong MDR.”

Ani Boroc, hindi niya ini-report ang insidente dahil ayaw niyang mapagalitan o matanggal ang guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?