568
Dating OFW sa Saudi, huli sa buy-bust sa Valenzuela
By

Babaeng pulis sumuko sa pagpaslang sa mister

Sumuko mismo ang isang policewoman ng Solana Police Station (SPS) sa Cagayan noong Huwebes dahil sa pagpatay sa kanyang mister na isang retired official ng Philippine National Police (PNP) noong Abril 2019.

Kinilala ni SPS chief-of-police P/Capt. Junjun Bali ang sumukong policewoman na si P/Staff Sgt. Marilou Alingog, nakatalaga sa SPS Women and Children’s Protection Desk (WCPD).

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Balisi, si Alingog ay inakusahang pumatay sa kanyang mister na si retired P/Lt. Col Danny Anlingog at nag-ugat ito sa isang umano’y love triangle.

Nalaman ni Alingog na ang kanyang mister ay mayroong umanong kabit o ibang babae kung kaya’t nagkaroon sita ng matinding magtatalo.

Sa kanila pagtatalo, kinuha ng policewoman ang kanyang service handgun at binaril ang kanyang mister sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa report, idinawit mismo ang suspek ng ina ng biktima at ilang kamag-anak nito.

Samantala, ipinasakamay na ng SPS sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Santiago City ang policewoman na kinasuhan ng murder ng mga kaanak ng biktima.

Ayon kay Balisi, sa pagsuko ng policewoman, pinabulaanan ang akusasyon sa kanya at sinabing mas makakabuting harapin niya ang kasong murder na isinampa laban kanya.

Matapos silang makakuha ang commitment order sa korte sa Echague, Isabela ay ipinasakamay na nila sa BJMP Santiago si Alingog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?