187
American national
Apr 6, 2019 @ 19:11
By

Babaeng preso sa Laguna, patay dahil sa hinihinalang meningococcemia

Pinagbawalan munang makapasok ang mga bisita sa isang kulungan sa Biñan, Laguna matapos mamatay ang isang 23-anyos na babaeng bilanggo rito dahil sa hinihinalang meningococcemia nitong Sabado.

Ayon sa ulat, naaresto ang babae noong Marso 31 dahil sa pagsusugal.

Marso 5 ng madaling-araw ay itinakbo ito sa Biñan Community Hospital pero matapos makitaan ng sintomas ng nasabing sakit ay dinala siya sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) nitong Sabado ng umaga pero namatay kalaunan.

Hindi naman naglalabas pa ang Department of Health at RITM ng kumpirmasyon kung meningococcemia ang dahilan ng pagkamatay ng preso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?