80

By

Babaeng nakasilid sa freezer Kuwait, kumpirmadong Pinay – DOLE

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na isang Pilipina nga natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa isang abandonadong apartment sa Kuwait.

Kinilala mismo ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang biktima na si Joanna Daniela Dimapilis na nakikilala sa pamamagitan ng fingerprint at DNA examination.

Si Dimapilis ay mula umano sa Iloilo.

Pangunahing suspek sa pagpatay sa domestic helper ang kanyang mag-asawang amo na isang Syrian at Lebanese.

Inaalam na umano kung saan naroon ang kanyang mga amo na pinaniniwalaang nasa Lebanon.

Posible umano na mahigit isang taon nang nakasilid sa freezer ang biktima dahil taong 2016 pa nang umalis sa nasabing apartment ang mga amo ng domestic helper.

Sinabi pa ni Bello na ipoproseso na ng gobyerno ang pagpapauwi sa Pilipinas sa mga labi pero kailangan daw muna itong maisailalim sa otopsiya para matukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?