46

Feb 6, 2020 @ 17:28
By

Babaeng hinampas ang kamay, kinamayan ni Pope Francis

Nagngitian, nagkausap at nagkamayan sina Pope Francis at ang babaeng hinampas niya ang kamay matapos siyang hatakin noong Bisperas ng Bagong Taon.

Mistulang interpreter naman ang isang pari na nasa tabi ng babae.

Ayon sa CBCP News, nagkitang muli ang dalawa nitong Enero 8, 2020 matapos ang “baciamano,” o ang panahon kung kailan mababati ng ilang pilgrims ang Santo Papa.

Habang binabati ni Pope Francis ang publiko habang patungo sa Nativity scene sa St. Peter’s Square sa Vatican City, Disyembre 31, 2019, biglang hinatak ng isang babae ang kamay ng Papa at hinila siya papalapit.

Nasaktan ang Papa kaya hinampas niya ang kamay ng babae nang dalawang beses para mabitawan siya. Naging viral ang video ng insidente at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa mga deboto at netizen.

Una nang humingi ng tawad si Pope Francis sa pagkaubos ng kanyang pasyensya sa babae sa kanyang Angelus noong Enero 1.

“Many times we lose our patience; me too. I apologize for yesterday’s bad example,” hayag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?