181
crime-scene-dead
By

Babaeng buntis, anak pinatay ng 12-anyos na lalaki para sa P100

Umamin ang isang 12-anyos na batang lalaki na pinagsasaksak niya ang isang babaeng buntis at ang anak nito matapos na di umano’y magnakaw ng 100 piso mula sa biktima sa bayan ng Lubao, Pampanga noong Linggo (Abril 14).

Naghihintay ang kapulisan nitong Lunes sa resolusyon ng mga prosecutor kung dadalhin ba sa home for young offenders sa bayan ng Magalang ang suspek.

Agad na namatay ang babaeng buntis, 25-anyos at ang anak nito, 4-anyos sa pananaksak na ginawa ng batang lalaki.

Kapitbahay umano ng biktima ang suspek at nahuli itong nagnanakaw ng salapi sa babae.

Nagalit umano ang suspek nang murahin siya ng babae, ayon sa mga imbestigador.

Ayon sa mga pulis, butcher’s knife o pangkatay ng karne ang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa mga biktima.

Isang 16-anyos na lalaki ang nakakita umano sa suspek na itinapon ang kutsilyo at ang dilaw na tshirt na puno ng dugo na siya rin namang natagpuan ng mga pulis.

May bahid din ng dugo ang shorts ng suspek habang may sariwang sugat ang kamay nito.

Sa harap ng magulang ng suspek ay umamin ito sa isang social worker na ginawa nga nito ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?