7,825
Babaeng brutal na pinatay sa Lapu-Lapu, binurdahan ng 20 saksak
By

Babaeng brutal na pinatay sa Lapu-Lapu, binurdahan ng 20 saksak

Kabuuang 20 na saksak umano ang tinamo ng estudyanteng babae na natagpuang wala nang buhay at binalatan ang mukha sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa awtopsiya na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa bangkay ni Christine Lee Silawan, 16-anyos, lumaba na sa 20 na tinamo nitong saksak ay pinaka-fatal ang nakita sa leeg nito.

May siyam din umanong defense wounds ang biktima na indikasyon na nanlaban ito sa mga suspek.

Dahil sa dami ng tinamong mga saksak ng biktima ay masasabi umanong dalawa hanggang sa tatlong suspek ang responsable sa krimen.

Inaalam na sa ngayon kung ginahasa rin ang biktima, na natagpuang wala nang buhay sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City nitong Lunes ng umaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?