47

Mar 11, 2020 @ 19:00
By

Babaeng British, patay sa coronavirus sa Indonesia

Nakapagtala ang Indonesia ng unang death toll sa coronavirus disease (COVID-19).

Sabi sa Dailymail, nadapuan ng virus ang 53-anyos na babaeng Briton sa ibang bansa.

Maliban sa virus, mayroon siyang diabetes at lung disease.

Pumanaw siya sa ospital matapos ma-admit na kritikal na ang kondisyon.

Nasa Indonesia rin ang asawa ng biktima at nakatakda nang i-repatriate.

Ang pagkamatay ng babaeng British ay kasunod ng pagkasawi ng Briton na na-quarantine sa Diamond Princess cruise ship sa Japan kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?