234

Babae tigok sa damuhan malapit sa kanyang bahay

Patuloy ang imbestigasyon ng Cabugao Municipal Police Station (CMPS), Ilocos Sur kung may nangyaring foul play sa babaeng natagpuang patay sa ilalim ng puno ng Caimito sa Sitio Balungabing, Barangay Turod Patac, Cabugao noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng CPS ang biktima na si Jhing-Jhing Punio Sortido, 41, ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon sa CPS, nangyari ang insidente bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa damuhan malapit sa kanilang bahay.

Ayon umano sa asawa ng biktima na si Dante Sortido, 41, nagpaalam si Jhing-Jhing noong gabi ng Martes na lalabas dahil may pupuntahan daw siya.

Ngunit laking gulat ni Dante noong ipaalam sa kanya, Miyerkules ng umaga, na natagpuan ang bangkay ng kanyang misis sa ilalim ng puno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?