1,381
Babae sinaksak sa MRT Boni
By

Babae sinaksak sa MRT Boni

Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan ng guwardiya na may saksak sa ibabang bahagi ng dibdib sa Metro Rail Transit (MRT)-3.

Ayon sa tweet ng MRT, nangyari ang insidente, Lunes ng bandang alas-2:25 ng hapon sa northbound ng Boni station.

Kaagad na dinala ang babae sa malapit na ospital para malapatan ng lunas.

Rumesponde ang DOTr-MRT3 Safety and Security Unit personnel kasama ang PNP-Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB), Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Mandaluyong PNP at patuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?