154
Kuratong Baleleng member todas sa Leyte drug bust
By

Babae pinatay sa loob ng pag-aaring resto sa Pasig

Tatay ng dating ka-live in ang pinaghihinalaang pumatay sa isang may-ari ng restaurant sa Pasig City.

Ayon sa ulat sa Saksi, nangyari ang pamamaril kay Judea Krishna San Jose dakong alas-8:45 ng gabi noong Mayo 1.

Pumasok umano ang suspek sa restaurant na pag-aari ni San Jose at binaril ito ng maraming beses.

Hindi naman nakunan ang insidente ng CCTV na nasa restaurant pero may nakuhang kopya ang mga pulis ng footage mula sa kalapit na establisyimento.

Isa sa mga kaanak ng biktima ang nakakilala sa isa sa persons of interest sa krimen, ang tatay ng dating nakarelasyon ni San Jose na si Legario Catacutan, 62-anyos.

Lumabas umano sa imbestigasyon na may galit si Catacutan sa biktima dahil kinuha nito ang bata na nasa pangangalaga ng una.

Kasalukuyan na umanong nakadetine sa Pasig Police headquarters si Catacutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?