43

By

Babae nagreskyu ng 97 aso sa kabila ng bagyo

Nailigtas at nakapag-ampon ng halos 100 na mga aso ang isang babae sa kabila ng dumaan na bagyong Dorian sa Caribbean islands.

“97 dogs are inside my house and 79 of them are inside my master bedroom,” sulat ni Chella Philips sa isang Facebook post.

Isang Category 5 Hurricane ang huminto ng dalawang araw nang kinolekta ni Phillips ang mga aso sa kanyang tahanan.

Hiling ni Philips, nawa’y magboluntaryo ang maraming tao at mag-ampon ng mga aso lalo na sa panahon ng kalamidad.

“I pray for the other islands who have unimaginable damages and I don’t see how any dogs or any living being could have survived outside. My heart goes out to them,” dagdag niya.

Aniya sa isang panayam, higit sa 65,000 na mga aso ang walang tirahan, pakalat-kalat sa mga kalye, inaabuso, nagugutom, at may sakit.

“97 is nothing. It’s like a drop from this pouring rain,” sabi nya.

Sinabi niya rin na siya at ang kanyang kapatid ay nagmamalasakit sa mga hayop nang walang tulong mula sa anumang mga organisasyon, bagama’t minsan ay may mga nagbibigay sa kanila ng donasyon upang makatulong sa mga gastos sa pagkain ng aso, na higit sa $1,000.

Ayon kay Phillips, ang kanyang pangunahing layunin ay makahanap ng panibagong may-ari ang mga aso sa isla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?