66

By

Babae nag-alok ng P300K, nag-hire ng eroplano para sa alagang aso

Handang magbigay ng malaking halaga ang isang babae maibalik lang ang ninakaw na pinakamamahal niyang alagang aso.

Sabi sa Time report, nag-alok si Emilie Talermo ng $7,000 reward o nasa P355,950 para mahanap ang kanyang 5-year-old blue-eyed miniature Australian Shepherd.

Maliban sa cash reward, nagrenta rin ng eroplano si Talermo para maikot sa siyudad ang banner kung saan nakasulat ang website para mahanap ang kanyang alagang si “Jackson”.

Ninakaw daw si “Jackson sa labas ng isang grocery store sa Bernal Heights, San Francisco, California noong nakaraang linggo.

Nakita sa surveillance video ng grocery store ang isang lalaki na naka- hoodie na lumapit kay “Jackson” sa upuan kung saan ito nakatali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?