1,571

Feb 13, 2020 @ 19:50
By

Babae mula Taiwan unang PUI sa Olongapo

Isang babae ang kusang lumapit sa mga awtoridad sa Olongapo City para magpa-quarantine dahil nakitaan ng mga sintomas ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag ngayong araw, Pebrero 13, ni Dr. Roderick Bustamante, director ng Olongapo City health office, ang babae ay nasa edad 47 at may travel history mula sa bansang Taiwan at kusang lumapit sa kanila.

Ito ay nakitaan umano ng ilang sintomas tulad ng ubo at sipon.

Ang nasabing babae ang unang pasyente sa lungsod na naitalang kabilang sa patient under investigation (PUI) sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?