28

By

Babae inatake ng kangaroo, tinahi ang mukha

Nasa 25 stitches sa mukha at muntik pang mabulag ang inabot ng isang babae matapos siyang atakehin ng malaking kangaroo.

Sabi sa 9news, nangyari ang pag-atake sa babaeng Australian habang pinapasyal niya ang kanyang alagang aso malapit sa sikat na walking track sa Wodonga, Victoria.

Ayon sa biktimang nagpakilala lang na Dina, hinayaan niyang makawala ang kanyang aso sa pagkakatali pero hinabol nito ang malaking lalaking kangaroo.

Sinubukan niyang habulin at iiwas ang kanyang aso pero hindi niya namalayang malapit na siya sa nag-panick na kangaroo at inatake na siya.

Nang bumagsak aniya siya sa kalsada ay pinaglulundagan na siya ng kangaroo kaya umakto na lang siyang patay para tumigil na ang nasabing hayop.

Maliban sa mga tahi sa kanyang mukha, inoperahan din si Dina dahil sa sugat niya sa hita.

Tinulungan siya ng mga napadaan na tao para makapunta sa ospital. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?