47

By

Babae arestado sa pananaksak ng saleslady

Kulungan ang hantungan ng isang babaeng nanaksak ng isang saleslady sa harap ng tahanan ng huli sa Pasig City dahil sa dati pang iringan ng mga ito na nag-ugat sa di pa malamang rason.

Kinilala ng Pasig City Police Station (CPS) ang biktima na si Girlie Guzman, 24-anyos habang ang suspek naman ay si Chrisa Peralta, 21-1nyos.

Saad ng mga pulis, nakatayo sa tapat ng bahay nito sa San Agustin St., Bolante II, Barangay Palatiw sa Pasig City si Guzman nang komprontahin ito ng suspek.

Biglang dumukot ng patalim ang suspek habang nakikipag komprontahan sa biktima at agad itong sinaksak sa kaliwang tagiliran.

Dinala si De Guzman sa Pasig City General Hospital at kasalukuyang inoobserbahan ang lagay nito.

Samantala nahaharap sa kaso si Peralta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?