179

By

B-day ni Baby Tali, pinagdiwang sa bahay-ampunan

Naging makahulugan ang 2nd birthday ng unica hija nina Bossing Vic and Pauleen na si baby Talitha.

Imbes kasi na sa mamahaling resto o hotel ito ganapin, mas pinili ng mag-asawang Vic at Pauleen na i-celebrate ito sa bahay-ampunan.

Sa kanyang Instagram account binahagi ni Poleng ang ilang eksena sa naganap na kaarawan ni Baby Tali.

“We celebrated Tali’s birthday with the children and nuns of Saint Rita Orphanage. We’re so happy that we were able to share and know the children and the very kind people who takes good care of them. Also, many thanks to our friends, for donating to these children,” sabi sa post ni Pauleen.

Kasama nina Vic, Tali at Pauleen na nakisaya sa mga batang ulila si Danica Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?