441

By

Ayusin ang operasyon ng TNVS – Poe sa LTFRB

Pinuri ni Senadora Grace Poe si Transportation Secretary Tugade sa desisyon niyang utusan ang LTFRB na ipatupad ang memorandum na nagpapahintulot sa mga kotseng hatchback na pang-TNVS.

“Isa itong positibong hakbang sa pagsasaayos ng operasyon ng TNVS,” pahayag ni Poe, chair ng Senate public service committee.

“Pinupuri natin ang pagpupursige ng mga TNVS driver at operator para sa makatarungang pagtrato sa kanila,” dagdag pa niya.

Umaasa din si Poe na mag-uusap ang LTFRB at mga driver at operator sa mga darating na araw para sa maayos na operasyon ng TNVS at kaginhawaan ng mga pasahero.

Sa Senado, naghain si Poe ng panukalang batas para ilagay sa angkop na pangangasiwa ang mga TNVS.

Aniya, itutulak niya ang ang pagsasabatas nito para mabigyan ng ligtas at komportableng transportasyon ang ating kababayan.

Noong nagdaang linggo, nagsagawa ng ‘transport holiday’ ang mga driver at operator ng TNVS para kalampagin ang LTFRB na ipatupad na ang Memorandum Circular No. 2018-005.

Sa ilalim ng naturang circular, papayagan na ng naturang ahensiya na bumiyahe na ang mga hatchback ng hanggang tatlong taon para makabawi sa kanilang puhunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?