1,216

Apr 6, 2020 @ 13:03
By

Ayuda made-delay: DOLE nanghingi ng pasensya sa madla

Aprubado na ang pera ngunit may kaunting delay umano sa pamamahagi ng pera sa mga aplikante ng P5,000 cash aid, ayon sa Department of Labor and Employment.

“Meron lamang tayong konting delay but we’re really working with stakeholders,” wika sa DZMM ni Labor Asec. Dominique Tutay ngayong Lunes.

“Approved na yung pera pero yung paglalagay ng pera sa individual accounts it will also take some time. Pakiusap namin sa publiko habaan niyo po ang pasensya sa amin. ito po ay ginagawan namin ng paraan,” sambit niya pa.

“Very limited” umano ang workforce ng DOLE at may inaayos na isyu sa banking system kaya natatagalan sa pagbigay ng tulong-pinansiyal.

Sa 596,146 formal sector workers na nag-apply sa cash aid, 102,895 na ang nabayaran. Nasa 173,587 naman ang naapruba habang 319,664 ang hinihintay pa ang desisyon.

Samantala, nasa 72,703 na ang benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE para sa mga informal worker sa bansa.

Layon ng ahensiyang mabigyang-tulong ang nasa 700,000 informal worker sa buong ‘Pinas, ani Tutay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?