64

By

Ayo, Uste nabawasan ng 2 armas

Medyo nadehado ang University of Santo Tomas sa magiging kampanya sa 82nd University Athletic Association of the Philippines men’s basketball tournament na magbubukas sa Setyembre 4.

Sinibatan nina incoming sophomore Toby Agustin at Joshua ‘Makoy’ Marcos ang UST Growling Tigers upang bumalik sa Mapua University at College of Saint Benilde para makapag-96th National Collegiate Athletic Association 2020.

May respetadong 2.4 points at 2.4 rebounds sa 9.0 minutes per game si Agustin kahit na ikatlo sa rotation ni España dribblers coach Aldin Ayo, habang isa sa naasahan sa wing si Marcos sa 3.5 pts., 2.9 rebs. at 1.1 assists average.

Pa-Uste, mula sa Jose Rizal University sa secondary niya si Agustin samantalang si Marcos ay galing sa La Salle Greenhills.

May panghihinayang at lungkot man si Ayo, pinabaunan niya ng ‘good luck’ ang dalawang basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?