28

By

Ayo blessing sa UAAP, PH basketball – Baldwin

Papuri ang natanggap ni UST coach Aldin Ayo sa dating New Zealand at Gilas head coach na si Tab Bladwin.

Matapos makalusot ng Ateneo sa UST, 71-70, sinabi nito na naging maganda ang palakad ni Ayo sa Growling Tigers.

“We’re very fortunate. And if you want to talk, you know, maybe tactically, there’s not a lot in it, tactically, I thought Aldin (Ayo) did a great job rotating his players, systems-wise. They’re a handful to try and control their systems,” ayon kay Baldwin.

Kinailangan ng Blue Eagles na sumandal kay Ange Kouame para maitakas ang panalo para sa kanyang koponan, partikular dahil magaling umano si Ayo sa paghanap ng mga kahinaan ng kanyang mga manlalaro at itago ito sa ibang koponan.

“This is going to make us I believe a lot better basketball team because Aldin’s team has a way of doing that they have a way of finding you know, your weaknesses and, and I’ve coached against him enough to know that after you play him there’s a lot of patchworks to be done on the things that he exposes his team,” paliwanag ni Baldwin.

Kaya naman papuri ni Baldwin kay Ayo, ‘blessing’ ang UST coach sa Pinoy basketball scene.

“I just have so much respect for him and the way he does his job and you know he’s a blessing for Philippine Basketball, for the UAAP.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?