1,057

By

Ayaw sa trapo: Simbahang Katoliko suportado si Poe, Otso Diretso

Inilahad ng isang obispo ang mga kandidatong suportado nila sa parating na eleksyon.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, kanilang hinahanap sa isang kandidato ang may kaparehas nilang prinsipyo para sa common good.

Saad ni Pabillo, kasama ang mga lay leader na parte ng People’s Choice Movement (PCM), na kanilang ikakampanya ang mga kandidato na sa tingin nila ay nararapat para maging susunod na mga senador.

“Now is the task for all the lay faithful to campaign for the deserving candidates so as to counter the money and the political machinery that the trapo (traditional politicians) are using,” ayon kay Pabillo

Ang PCM ay binubuo ng 130 lay leader, at bago makapili ng mga ieendorso ay dumadaan sa masusing pag-uusig ayon sa stand ng ilang tumatakbo sa ilang national issue partikular na ang Charter change.

At pasok sa banga ang lahat ng Otso Diretso senatorial bet na sina Bam Aquino, Gary Alejano, Mar Roxas, Erin Tañada, Florin Hilbay, Chel Diokno, Romulo Macalintal at Samira Gutoc.

Bukod pa sa Otso Diretso, suportado rin nila sina re-electionist Grace Poe at Neri Colmenares.

Sila ay napili base sa kanilang karakter, abilidad, pagiging tapat sa publiko at sa Diyos, Konstitusyon at batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?