3,000

By

Ayaw pagbentahan! Regine binastos sa New York luxury store

Hindi na-inform ang mga saleslady ng isang luxury store sa New York na ang ‘Asia’s Songbird na ang kanilang katapat.

Nakaranas ng diskriminasyon ang sikat na Pinay singer na si Regine Velasquez matapos itong magtungo sa New York at magsa-shopping sana sa Louis Vuitton store.

Sa vlog ni Regine, kanyang inilahad ang istorya kung papaano niya nakuha ang isang inaasam na high heels, ngunit pahirapan pa dahil sa naranasang diskriminasyon.

“I went to New York to find particular shoes… And then when I got there, nakita ko na, nandun sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin wala akong size… Sinabi talaga,” ayon kay Regine.

“Sabi ko, ‘Can I at least try them on?’ Sabi niya, sabi ng guy, ‘Uh, no.’ Sabi talaga, ganun. Na-discriminate agad ang lola niyo, so na-depress ako ng very very light.”

Kaya naman pumunta si Regine sa kalapit na Neiman Marcus store, ngunit hindi pa rin siya pinansin ng mga store attendant hanggang sa isang African-American ang kumausap sa kanya.

Dahil sa tuwa, nasa 20 pairs ng sapatos ang binili ni Regine bago bumalik sa Louis Vuitton dala ang lahat ng pinamili.

“Meron akong nakilalang black guy. Again, I was being discriminated. No one was making me pansin, yung lahat sila nagsusukat … Walang pumapansin sa ‘kin, until this guy came to me and then he said, ‘Do you need help?’” sey ng ‘Asia’s Songbird’.

“Sabi ko, parang maiiyak na ‘ko, ‘Yes, I need help.’ So lahat ng tinuro ko binili ko talaga, so ang happy niya, super happy siya. Samantalang yung bwisit na ibang nandun, nagtitinginan sila kasi yung ibang nagsusukat dun, wala naman binili ‘te,” patama pa niya.

“Nung marami na ‘kong bitbit, pinapasok ako sa loob ng Louis Vuitton at nabili ko siya. ‘Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?