231

Jun 1, 2019 @ 15:24
By

Ayaw mahusgahan: Shut up na lang! – Abueva kay Mercado

Sagutan dito, sagutan doon.

‘Yan ang naging aksyon matapos ang naging laban ng Blackwater at Phoenix dahil sa insidenteng kinasangkutan ni Calvin Abueva at Maika Rivera, ang dyowa ni Ray Parks Jr.

Unang dumepensa si Parks sa dugout matapos ang salpukan, sinabing hindi niya kukunsintihin ang ginawa ni Abueva sa kanyang girlfriend na sinabing tinawag na ‘b*tch’ at may seksuwal pang ginawa sa harap ng babae.

Sa Instagram Live, hindi nag-deny ang Phoenix star, sinabing totoong nasabi niya ito kay Maika ngunit dumepensang minura umano siya ng grupo nito kaya’t sinagot lang ang mga pang-aasar sa kanya.

Binira din ni Abueva ang mga pasaring sa Twitter ni Ginebra guard Sol Mercado, aniya, ‘wag na umanong makiepal sa isyu ang manlalaro dahil wala itong alam sa insidente.

“Yung sinasabi ni Sol, right Sol, eto na ‘ko Sol Mercado. I appreciate yon dahil I don’t know yun lang ata yung reason na narinig mo yung side nila, pero yung side ko hindi mo narinig so shut up na lang. Don’t judge me about myself, stop na lang, don’t talk,” giit ni ‘The Beast’.

Saad kasi ni ‘Sol Train’, tama lang na ma-badtrip si Parks kay Abueva dahil sa ginawa nito sa kanyang girlfriend.

Aniya, dapat daw ay naging professional si Abueva sa harap ng mga fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?