37

Mar 26, 2020 @ 11:21
By

Ayaw magaya sa MMC; PGH todo higpit

AMINADO si Philippine General Hospital (PGH) spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na naging aral sa kanila ang dinanas ng Makati Medical Center gaya nang nangyare kay Senator Koko Pimentel kung saan pumunta ito sa nasabing hospital kahit nasa PUI na ang senador at kalaunan ay nagpositibo sa Covid-19.

Pahayag ni Dr. Jonas, naghigpit sila sa seguridad ng hospital upang maiwasan na ang nasabing insidente.

“Talagang natututo din po kami sa mga nangyayare sa ibang mga hospital kaya lalo pong naghigpit yung security [DOH],” saad ni Del Rosario. “ In fact, ang premise po namin ay lahat ng pumasok sa PGH baka may COVID-19.”

Maging sa kanilang entry point ay kanila na ring hinigpitan upang malista agad kung ang mga pasyente bang papasok ay may karamdaman ng COVID-19.

“Naninigurado po kami kaya talagang pagpasok, may check list – tatanungin bakit ka pupunta sa ospital,” dagdag pa ni Del Rosario. “So sa mga entry points talagang merong mga nakabantay na security, na-instruct rin sila.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?