30

By

Away-pamilya: Kelot todas sa mag-aama

Dahil sa pagkapuno sa matagal nang alitan, binaril at napatay ng isang 42 anyos na lalaki ang kanilang kaaway na kamag-anak sa Brgy. Luntal, Tuy, Batangas, Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rommel Magsino Custodio, 19 anyos.

Ayon PMajor Dwight Fonte Jr., hepe ng Tuy police, suspek naman sa krimen ang mag-aamang sina Severino Magsino, at mga anak na sina Reden at Emmanuel.

Inabangan umano ng mag-aama ang biktima at binaril ito habang naglalakad sa harap ng isang hardware store kasama ang isa pa nilang kamag-anak na si Aljon Magsino Bujatin dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Agad ding tumakas ang mag-aama na sumakay sa motorsiklo matapos ang krimen.

Nasawi naman kaagad ang biktima matapos magtamo ng tama sa dibdib.

Sa follow-up operation, naaresto naman ang mag-amang Severino at Emmanuel na ngayon ay nakakulong na sa Tuy police station custodial facility.

Matagal na umano ang palagiang pag-aaway ang biktima at ng dalawang anak na suspek, hanggang sa makialam na ang tatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?