84

By

Austria sa suspensyon ng 3 player: Walang sinasanto sa San Miguel!

Kahit pa lubhang maapektuhan ang Grand Slam bid ng San Miguel Beermen, pinili pa rin ng koponan na parusahan ang tatlo nilang manlalaro, kasama pa ang integral core sa kanilang lineup na si Arwind Santos.

Ito’y kaugnay ng suntukang naganap sa ensayo ng SMB kung saan sangkot si Santos, kasama pa sina Ronald Tubid, Kelly Nabong at pinauwing import na si Dez Wells.

Sinuspende ng San Miguel management ang tatlong local player dahil sa ‘unsportsmanlike behavior’ ng mga ito.

Nang matanong si SMB tactician Leo Austria, hindi niya na umano iniisip ang suspensyon at tinanggap na rin ang sitwasyon dahil mas mahalagang mapatunayan ng koponan na kanilang matibay na polisiya.

“We have to accept the reality because we cannot tolerate the incident that happened to us. And although it’s an internal matter, it’s what the organization stands for,” ayon kay Austria.

“We had to do something that could give us some reminder, a strong reminder that nobody’s above the policy of the company.”

Aniya pa, hindi pa klaro kung kailan makakabalik ang tatlo, lalo na ngayong haharapin ng SMB ang crowd favorite Barangay Ginebra sa quarterfinals tangan ang twice-to-beat disadvantage.

“I don’t know. I [can’t] decide regarding that. It’s an organization decision, a management decision,” saad pa ni Austria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?