37
pba-allstar1

Austria, Cone, Victolero magtitimon sa PBA All-Star teams

Muling magtatagisan ng estratehiya sina coaches Leo Austria, Tim Cone, at Chito Victolero matapos silang tapikin para maging chief tacticians sa gaganaping PBA All-Star.

Silang tatlo ang mamando sa Luzon, Visayas at Mindanao teams na lalaban kontra national squad sa May 23-27.

Napiling muli ang tatlo matapos ang naging performance nila sa Philippine Cup.

Si Cone ang mauuna sa paghawak nito sa Mindanao team laban sa national pool sa May 23 sa Davao.

Habang si Austria ang kukuha sa Luzon squad na haharap sa national pool sa May 25 sa Batangas.

Si Victolero naman ang naatasan sa Visayas team sa May 27 game sa Iloilo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?