40
road-closed
By

Aurora-Araneta intersection, isasara

Sa darating na Huwebes ay isasara ang Aurora-Araneta intersection.

Ito umano ay para bigyang-daan ang pagtatayo ng Skyway Stage 3 Section 2 at 3 sa Aurora Boulevard, Barangay Doña Imelda sa Araneta Avenue, Quezon City.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Consultant Engr. Rey Luna, isasara ito simula alas-11:00 ng gabi ng Agosto 15 hanggang sa Agosto 21 ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Luna, isasagawa ang proyekto ng kalsada sa loob ng pitong araw o gabi mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-singko ng madaling-araw.

Nagbigay naman ng alternatibong daan ang MMDA para sa mga light vehicle mula Shaw Boulevard/V. Mapa ay puwedeng dumiretso sa Magsaysay Boulevard hanggang Santol St., kanan sa Palanza, Landargun o Bayani Road, kaliwa sa G. Araneta hanggang sa makarating sa destinasyon at vice versa.

Ang mga manggagaling ng Cubao papuntang Manila area, sa Aurora Blvd. kanan sa Guirayan St. kaliwa sa Palanza, kaliwa sa Tomas Arguelles St., sa Santol St., hanggang Magsaysay Blvd. hanggang sa destinasyon.

Mula naman sa N. Domingo at Blumentritt, dumaan sa F. Roman, H. Lozada at J. Ruiz Sts.

Habang sa north dadaan sa kahabaan ng C3 Sgt. Rivera kanan sa Bayani, Landargun at Palanza St., kaliwa sa Santol St., kaliwa sa Magsaysay Boulevard St., kumanan sa V. Mapa hanggang makarating sa pupuntahan.

Para naman sa mga truck mula Quezon Avenue E. Rodriguez diretso ng España Blvd, kaliwa sa Lacson Ave. deritso sa Nagtahan hanggang sa detinasyon o vice versa.

Sa Magsaysay Blvd. kanan sa V. Mapa hanggang Shaw Blvd. hanggang makarating sa pupuntahan at vice versa.

Ayon sa MMDA, ang Skyway Stage 3 ay isa sa mga proyekto ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan na kumukonekta sa Buendia hanggang Balintawak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?