69
Audition tape para sa 'Crazy Rich Asians' ipinagmalaki ni Kris
By

Audition tape para sa ‘Crazy Rich Asians’ ipinagmalaki ni Kris

Inalala ni Kris Aquino ang pagsisimula ng journey niya nang makuha ang isang role sa hit movie na “Crazy Rich Asians”.

Ibinahagi ni Kris ang kanyang audition tape sa Facebook, kung saan makikita kung paano ang naging pag-arte niya bilang si Eleanor Sung-Young, na nanay ng male lead character.

“On purpose, we held back on releasing the actual AUDITION material that was sent to the Hollywood casters of Crazy Rich Asians… so why now? because the time is right. i am okay in fact, comfortable sharing with you a special moment in my life,” paliwanag ni Kris kung bakit ngayon niya ito inilabas.

Sa bandang huli ay nakuha ni Kris ang karakter na si Malay Princess Intan, na mahalaga umano ang ginampanan sa movie para sa main character na Rachel Chu.

“The lead star’s REALIZATION of her self-worth, because she was an intelligent, accomplished, beautiful NYU professor- for that scene everything i believe in as a woman- was affirmed,” dagdag pa ni Kris.

Nagsimulang ipalabas worldwide ang “Crazy Rich Asians” noong August 22, 2018. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?