53
Audience naging wild sa Ariana-NSYNC collab sa Coachella
By

Audience naging wild sa Ariana-NSYNC collab sa Coachella

Nag-perform ang pop singer ng una sa dalawang headlining sets sa annual music festival na Coachella Valley Music and Arts Festival kabilang ang reunion sa ’90s boy band na NSYNC.

Kapansin-pansin na wala sa collaboration ang front man ng NSYNC na si Justin Timberlake, na nasa 115-show Man of the Woods tour.

Hindi naman ramdam ang absence ni Timberlake sa stage dahil kinakanta ni Ariana ang part niya sa kanta ng NSYNC.

Sinamahan nina Joey Fatone, JC Chasez, Chris Kirkpatrick at Lance Bass si Ariana sa portion ng kanyang kanta na “Break Up With Your Girlfriend, I’m Bored.”

Positibong reaksiyon ang nakuha nito sa crowd na nagwala lalo na nang kantahin nila ang hit song ng NSYNC na “Tearin’ Up My Heart”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?