64

By

Atty. Kapunan absuwelto sa kasong unjust vexation

Pinawalang-sala ng Manila Regional Trial Court Branch 17 si Atty. Lorna Kapunan sa kaso nitong unjust vexation.

Isinampa ang kaso ni University of Santo Tomas law dean Nilo Divina dahil sa derogatory statements ni Kapunan sa ginawang imbestigasyon ng Department of Justice tungkol sa hazing case ng law student na si Horatio “Atio” Castillo III.

Tinawag ni Kapunan si Divina na “obstructionist to justice” at “appear[ing] to be above the law”.

Sa inilabas na kautusan ni Presiding Judge Karla Funtila-Abugan, nabigo umano ang prosekusyon na patunayang guilty si Kapunan.

Inabsuwelto rin si Kapunan sa civil liability sa kaparehong dahilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?