8,608

By

Atong Ang tinuhog ang mga Barretto

Itinanggi ni Nicole Barretto na inatake niya si Gretchen Barretto at binunyag na sarili niyang tiyahin ang nagnakaw sa kanyang boyfriend.

Sabi ni @colebarretto sa kanyang post, hindi siya ipinatapon sa Amerika kundi naroon siya para mag-move on dahil sa ginawa sa kanya nina Gretchen at Charlie “Atong” Ang.

Agad naman itong binara ni Gretchen at sarkastikong nag-sorry kay Nicole sabay sabing akala niya’y ang pamangkin ang siyang nang-agaw kay Atong sa tiyahing si Claudine.

“Oh im sorry. I was told that nicole stole atong from her aunt claudine,” saad ni Greta.

“@colebarretto clarifies my allegations! Thanks at hindi ka kasing duwag ng tita marjorie mo. But is it true that you attacked your tita @gretchenbarretto?” saad pa ni Greta.

Pagbubunyag pa ni Gretchen, sinabi aniya sa kanya ni Atong na, “nilako si nicole sa akin ng nanay niya.”

Gusto lang aniya ni Nicole na saktan siya at hindi para protektahan si Marjorie.

Kakapanganak lang umano nito at may boyfriend na pero hinahabol pa rin si Atong.

Sa dulo sinabi ni Gretchen na huwag magpaka-Bea Alonzo si Nicole dahil hindi ito ang totoong biktima.

Si Atong ang sinasabing boyfriend at “iba pang lalaki” ni Gretchen, na unang nilarawan ni Marjorie na “powerful” kaya nangangamba siya sa kanyang buhay.

Habang si Nicole naman ay pamangkin nina Gretchen at Claudine sa kapatid na si Jay-Jay Barretto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?