18,617

By

Atong Ang substitute kay Greta sa burol ng ama

Pumunta ang sinasabing boyfriend ni Gretchen Barretto na si Charlie ‘Atong’ Ang sa huling araw ng burol para sa ama ng una na si Miguel Barretto.

Matatandaan na kinumpirma ni Gretchen na kanyang boyfriend si Ang, na unang nilarawan ni Marjorie Barretto na ‘powerful’ kaya nangagamba sa kanyang buhay.

Sa Instagram post ni Claudine, nagpasalamat ito kay Gretchen at Chino, na tawag ni Greta kay Ang, dahil sa pakikiramay nito.

“Thank you Chino & Gretchen & DADA for being with Mom,J & i.we luv you guys,” saad ni Claudine.

Nagpasalamat din ito kay Gretchen na hindi na dumalo matapos makaaway si Marjorie dahil sa pag-give way nito at hindi na nagpasulyap pa sa burol para maiwasan ang gulo.

“Thank you for giving way again. Dad is Proud of you.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?