663

Mar 28, 2020 @ 11:30

Atom Araullo nakipagsagutan sa eksperto

Hinarap ni reporter Atom Araullo sa isang infectious disease expert ang kalituhan ng marami: Bakit magkalayo ang bilang ng mga tao na na-test sa COVID-19 at kabuuang dami ng mga naisagawang COVID-19 test sa bansa?

“What accounts for the discrepancy is unclear. Hindi lang ba updated ang numero ng DOH? (Bakit?) Is each individual tested an average of 5 times?” usisa ni Araullo.

Binanggit ng peryodista ang datos sa DOH tracker na sinasabing 2,147 indibidwal ang tinest sa COVID-19 hanggang nitong Marso 27, at ang pahayag ni Dr. Edsel Salvana ng UP National Institutes of Health na nasa 11,466 na ang kabuuang sinagawang test sa COVID-19 sa ‘Pinas.

Makaulit na pinunto ni Araullo, sa kanilang sagutan ni Salvana sa Twitter, na nire-reflect ng datos sa ibang mga bansa ang kabuuang bilang ng mga tinest nilang indibidwal at hindi kabuuang sinagawang test.


Paliwanag naman ni Salvana, sa Twitter at sa Facebook, na nagsagawa ang gobyerno ng maraming repeat testing sa mga COVID-19 positive noong una, bilang pagsunod aniya sa international guidelines sa COVID-19. Kapag dalawang beses na nagnegatibo ang pasyente, doon pa lang ito pwedeng pauwiin noon.

“The current number of UNIQUE individuals TESTED is about 2,000+. However, because of early algorithms REQUIRING (according to many international guidelines for COVID-19) repeat testing before you can discharge a patient, a total of more than 11,000 tests have been done,” wika ng physician, Marso 28.

“This requires that AT LEAST 2 consecutive NEGATIVE tests be done on a recovered COVID-19 patient before he/she is sent home. This is because we previously did NOT want to discharge a recovered person who is still SHEDDING SARS CoV 2 virus into the community.

“This is an IDEAL approach, BUT now with the increasing cases and backlog, DOH is shifting to more testing of new cases and will use clinical parameters rather than testing parameters to decide on discharge,” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?