58

Atenista sure 1st pick? Go, Nieto Bros. ipapahiram ng PBA sa Gilas

Sa ikalawang pagkakataon sa PBA, magkakaroon ng special draft para sa mga top prospect na ipapasok sa Gilas program.

Ngayong taon, kasama sa listahan ng mga napiling kadete para sa Gilas 2023 ay ang tatlong Atenista na sina Isaac Go, Matt at Mike Nieto, gayundin ang UE at Cesafi star na si Rey Suerte at San Sebastian scorer Allyn Bulanadia.

Dahil dito, may pagbabago sa draft order ng 2019 PBA Rookie Draft na gaganapin sa December 8 sa Robinsons Ermita, Manila.

Sa special draft, unang pipili ang Columbian Dyip, na sinundan ng Blackwater, NLEX, Alaska at Rain or Shine.

Ang mga mapipili nilang player ay ipapahiram muna sa Gilas hanggang 2023.

Matapos ang special draft, susundan naman ito ng naunang bersyon ng draft order:

Columbian

Blackwater

NLEX

Alaska

Rain or Shine (mula Meralco)

Rain or Shine (mula Phoenix)

Rain or Shine

NorthPort

Magnolia

Ginebra

TNT

Columbian (mula San Miguel)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?