19

By

Ateneo sobrang powerful! UAAP volleyball kinansela dahil may injured na player – mga netizen

Binanatan ng mga netizen ang pagsususpende ng laro ng UAAP Season 82 simula Pebrero 15.

Masasagasaan nito ang UAAP volleyball schedule na sakto sa February 15 opening sa Mall of Asia Arena.

“The University Athletic Association of the Philippines upholds, in the highest regard, the well- being, health and safety of the League’s community- players, coaches, students, their families and fans in general,” ayon sa statement ng liga na nilagdaan nina UAAP President Emmanuel Fernandez at Executive Director Rene Saguisag, Jr.

“In light of the COVID-19 outbreak, the UAAP, after thorough deliberation by the Board of Trustees and the Board of Managing Directors, have come to a decision to postpone all sporting events starting Saturday, 15 February.”

Ang nasabing suspensyon ng laro sa volleyball ay hindi nagustuhan ng mga netizen, na pinatamaan ang host school na Ateneo na iniisip na may ibang motibo sa pagkakasuspende ng mga laro.

Ayon sa mga tweet, injured umano ang Ateneo veteran Kat Tolentino kaya raw sinuspende ang laro sa UAAP volleyball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?