131

By

Ateneo sinungkit ang twice-to-beat sa kabayanihan ni Kat Tolentino

Pinamunuan ni opposite hitter Kat Tolentino ang Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles sa pagkamada ng 17 puntos para ibigay sa koponan ang twice-to-beat bonus papasok ng Final Four.

Ito’y kasunod ng 25-16, 28-26, 25-17 pagwalis sa Adamson University (AdU) Lady Falcons Miyerkoles sa second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre.

Hawak pa rin ng Ateneo volleybelles ang unahan sa kinubrang ika-11 panalo kontra dalawang talo sapat para angkinin ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage sa semifinals.

“It just goes to show that we have to be able to adjust when things don’t go our way. Today was a good test for us,” wika ni Tolentino.

Kumana rin para sa koponan si Maddie Madayag na humataw ng 13 points, 9 mula sa atake, at may palabok pang tatlong blocks at isang service ace.

Huling makakatapat ng Lady Eagles ang UE Lady Warriors sa Linggo para sa pagtatapos ng elimination rounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?