44

By

Ateneo nireklamo ng unyon dahil sa CBA

Naghain ng kaso ng preventive mediation ang Ateneo Employees & Workers Union (AEWU) laban sa Ateneo de Manila University (ADMU) nitong October 18 dahil sa pakiwari nitong panggugulang ng administrasyon ng pamantasan.

“Hence, on 18 October 2019, AEWU filed a PREVENTIVE MEDIATION case with the National Conciliation and Mediation Board on the ground that ADMU is bargaining in bad faith,” sabi ng AEWU.

Nag-umpisa ang negosasyon para sa collective bargaining agreement ng AEWU noong April 18, 2019 na para dapat sa taong 2019 hanggang 2024 ngunit hiniling ng administrasyon ng Ateneo na bigyan sila hanggang May 31, 2019 para magsumite ng counter proposal.

Ngunit June 10 na, wala pa rin ang counter proposal. Nagharap ang administrasyon ng Ateneo at ang AEWU noong June 27 nang wala pa ring counter proposal ang administrasyon at sinabi na ng AEWU na mahirap magkanegosasyon kung wala pang counter proposal ang administrasyon.

Dagdag pa ng unyon, “AEWU asked for DOLE’s preventive mediation of the dispute because it fervently desires that its differences with ADMU will be resolved amicably and that a fair and just CBA will be reached.”

Hiningan ng AEWU ng impormasyon ang Ateneo tungkol sa mga tuition free increases nito para sa school year 2019 hanggang 2020 pati na ang pinaplano nitong tuition fee increases para sa susunod na mga taon.

Hiningi ring n AEQU ang impormasyon tungkol sa dami ng empleyado ng pamahalaan at ang average monthly salary ng non union na mga rank and file pati na ang dami ng supersory staff, management staff, faculty at ang average monthly salary ng mga ito.

Hiningi ng AEWU ito dahil, ayon sa batas at regulasyon ng Deparment of Education, 70% ng tuition fee increases ay dapat napupunta sa mga sweldo o sa mga CBA.

Ang Data Privacy Act muli ang ginamit na dahilan ng Ateneo para hindi ibigay ang impormasyon gayong ang hinihingi lang naman ng AEWU ay ang bilang ng mga staff at ang average salaries ng mga ito.

Ang Data Privacy Act din ang ginamit na dahilan ng Ateneo para hindi kilalanin ang mga manyak na propesor na pinoprotesta ng mga estudyante.

Hiningi ng Abante ang panig ng Ateneo ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?