49

By

Ateneo-La Salle rivalry humihina na?

Kung noon, paniguradong trending agad sa social media sa oras na magtapat ang Ateneo at La Salle sa UAAP dahil sa classic rivalry ng dalawang koponan.

Ngunit hindi ito ang naging tema sa Twitterverse, tila naungusan na ng ibang side story sa collegiate league.

Nitong Linggo ay muling nagkaharap ang Taft at Katipunan-based squad kung saan wagi ang una, 77-69, at tinarak ang kanilang ika-10 panalo, nanatiling walang dungis.

Sa Twitter ay isang spot lang ang nakuha sa Top 10 trends sa nasabing laban, La Salle sa ikasampu.

Samantala, ang best player na si Adrian Wong, kumana ng 18 points, at sumakto sa 16th spot.

Sa gate attendance naman, hindi jam-packed ang Mall of Asia Arena sa 11,239 crowd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?