49

By

Asong ‘di makalakad dahil sa pagod, niligtas ng mountain rescue

Nailigtas ng Keswick Mountain Rescue ang isang pagod na aso na hindi na kayang magpatuloy sa kanyang paglalakad.

Ang siyam na taong gulang na terrier ay napagod habang naglalakbay kasama ang kanyang amo sa Cumbria Way Lake District sa England.

Ayon sa ‘The Daily Mail’, nagpahinga ang dalawa sa isang kubo hanggang dumating ang anim na volunteer at isang search dog, upang makabalik sa kaligtasan.

Ani ng grupo, “With visions of Great Danes and Rottweilers and the possibility of having to call more team members to stretcher the dog off, the team were pleased to find a small and easily portable, cold, shivering terrier.”

Umabot sa higit dalawang oras ang isinagawang rescue kung saan gumamit sila ng isang harness upang dalhin ang pagod na terrier pabalik sa burol kung saan isang kotse ang naghintay sa kanila sa ibaba.

Hinatid naman ang dalawa pabalik sa kanilang tirahan sa Caldbeck.

Pinuri naman ang rescue team online, isang comment ang nagsabi: “This lovely outcome could so easily have been different if they hadn’t had help from mountain rescue. Cold, wet and tired could easily mean hypothermia for man and dog and I’ve got a 10kg dog so know how heavy that is to carry even for a short distance.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?