3,541

By

Aso patay sa ingay ng paputok

Namatay sa mga bisig ng kanyang amo ang isang aso matapos ma-stress sa ingay ng mga paputok.

Ayon sa Facebook post ni Antonella Modasjazh, may-ari sa asong si Magui, nagdulot ng panic attacks sa kanyang alaga ang ingay ng paputok kaya inatake ito sa puso.

Matanda na raw ang aso at takot na takot sa naglalakasang paputok. Sinubukan daw nila na tumawag ng mga beterinaryo pero walang nagpunta.

Inatake si Magui at namatay habang yakap ng kanyang anak.

“Her name was Magui and she has just died. She was old and was terrified of fireworks. We did not know where to put her while other people were having fun, she was going through a very bad moment. She had an attack, we called all the vets in Esquel to help us but nobody attended us. The dog died in the arms of my son, begging to call anybody to help her,” kuwento ni Antonella sa post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?