460

Feb 28, 2020 @ 12:06
By

Aso nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo ang isang Pomeranian dog sa new coronavirus (COVID-19) matapos mahawa sa kanyang amo.

Nakatira ang aso at ang pasyente nitong amo na si Yvonne Chow Hau Yee sa Hong Kong.

Bumisita si Yvonne sa mga beterinaryo sa Happy Valley area ng Tai Hang, kung saan kinalap ang oral, nasal at rectal samples ng aso kahapon, Pebrero 27.

Lumabas sa resulta na “weak positive” ang aso sa COVID-19.

Sabi ng mga opisyal ng Hong Kong’s Agriculture, Fisheries and Conservation Department (AFCD) na walang nakitang sintomas sa aso kaugnay sa sakit, ngunit naka-quarantine na ito.

“The AFCD does not have evidence that pet animals can be infected with COVID-19 virus or can be a source of infection to people,” wika ng AFCD sa isang pahayag.

Ayon sa Dimsum Daily, ang Pomeranian ang tanging aso sa quarantine facility sa Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge.

Mananatili ang aso sa center sa loob ng 14 araw.

Magsasagawa umano ng mga test hanggang sa magnegatibo na sa virus ang aso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?