37

Aso nagpapaaral sa batang amo

Dahil bibong-bibo sa pagsagot ng mga math question, pagsayaw, at pagpapakita ng mga card trick, nabibigyan ng isang aso ng baon ang kanyang estudyanteng amo.

Naaaliw hindi lang mga saksi sa kalsada malapit sa LRT Central Station sa Maynila, kundi pati mga netizen sa galing ni Blackjack at amo nitong si Eddie Aquino.

“Galing po ako sa school na pang umaga 6:00 a.m. to 12:00 noon. [Tapos] ala una (1:00 p.m.) hanggang 5:30 p.m. po kami dito sa may UDM (Universidad De Manila),” ani Eddie Aquino sa Manila Bulletin.

“Si Blackjack kahit aso po ito tinuturing na po kapatid and best friend. Dito po ako kumukuha ng baon at si Blackjack po ang nagpapa-aral sa akin,” wika pa niya.

Unang sinanay si Blackjack ng tatay ni Eddie, ngunit masyado itong matanda kaya si Eddie ang pumalit.

“Blackjack” ang naging ngalan nito dahil sa kulay ng kanyang balat.

Natagpuan ang bibong aso sa ilalim ng tricycle ng pamilya, taong 2013.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?