196

Jan 25, 2020 @ 18:44
By

Aso naging traffic enforcer

Viral ang video ng isang asong kalye matapos niyang tulungan na makatawid nang ligtas sa kalsada ang isang grupo ng mga bata.

Nangyari raw ito noong January 24 sa dating Soviet Republic of Georgia.

Nakunan ng video ang aso habang tinatahulan ang mga sasakyan para huminto dahil sa tatawid na mga bata.

Binahagi ang video ng international tabloid newspaper na The Sun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?