76

Jun 28, 2020 @ 17:00
By

Aso na sidekick ni Pacquiao, patay na

Namatay na si Pacman, ang sumikat na aso na laging kasama ni Manny Pacquiao sa pag-jogging at training sa mga laban nito/

Ayon sa report ng Manila Bulletin, nasawi ang jack russell terrier matapos itong masagasaan ng mismong aide ni Pacquiao.

Ayon kay David Sisson, nagmamaneho siya nang biglang pumunta sa ilalim ng kotse si Pacman dahilan para masagasaan niya ito.

Dinala pa sa beterenaryo ang 14-anyos na aso ngunit sinabi na hindi na magagamot ang mga injury ni Pacman dahil sa edad nito na 14-anyos na.

Kaagad namang pinabatid kay ‘Pambansang Kamao’ at sa kanyang asawa na si Jinkee ang nangyari, at agad namang tinanggap ang pagkawala ng alaga at naintindihang aksidente lamang ito.

Nilibing ang labi ni Pacman sa kanilang tahanan sa General Santos City.

Taong 2018 nang tumigil na si Pacman sa pagsama kay Pacquiao sa training dahil na rin sa edad nito na hindi na makasabay sa ensayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?